mga kwentong inuman

Tuesday, December 19, 2006

Mga Malas Bilang Estudyante

1. Natutulog ka sa klase tapos sasadyaing mag-recite ng katabi mo ng hindi ka gigisingin. Isa sa mga dahilan at madali akong naging favorite asintahin ng teacher sa subject na iyon.

2. Dadaan iyong crush mong kaklase tapos malakas kang tatanungin ng kaibigan mo “Siya ba iyong kinekwento mo?”

3. Dadaan iyong bakla mong kaklase tapos malakas na sasabihen ng mga kaibigan mo “Siya ba iyong kinekwento mo?” Sapakan na lang.

4. Minsan ka lang sa buong buhay mo mag-aral at pagkatapos mong aralin iyong 15 page article na mas maliit pa sa kulangot mo ang font size ay malalaman mong OPEN NOTES pala ang exam.

5. Ang makakita ng Modified True of False sa Exam. Pwede namang T or F na lang.

6. Iyong Matching Type na Exam. Tipong 10 lang ang tanong pero 30 ang choices. Tapos bawal pa markahan iyong papel. Punyetang Teacher yan!

7. Right Minus Wrong.

8. Nag-aral ka ng 9 sa 10 thesis statements. At sa lahat lahat ng mabubunot ng prof ay iyong kaisa-isang hindi mo inaral. Asan ang law of averages pag kailangan mo?

9. 3rd year highschool ka na pero ang field trip mo ay sa Nayong Pilipino pa rin. Bwahahahaha Bina-baby kayo ng principal.

9 comment(s):

ha olats ka saken. ako gwapogi e. ikaw pogi lang. haha

By Blogger boyet, at Friday, October 21, 2005 1:45:00 PM  

haha! love this list :)

By Blogger Sayote, at Sunday, June 25, 2006 2:34:00 PM  

aba ayos!!!! ano email mo?

By Anonymous Anonymous, at Tuesday, August 22, 2006 1:28:00 AM  

hehe, i love the #4.

By Blogger Analyse, at Thursday, August 24, 2006 8:17:00 PM  

aynako. tumawa ung bong class nung sinabe nung teacher na open notes. dahil b4 the exam. pinagkalat ko na na un ang first time kong mag aaral para sa subject na un!


tsk tsk!

By Blogger boyet, at Friday, August 25, 2006 11:27:00 AM  

i love #s 4-7.. palagi kasing nangyayari sakin yan eh....

By Anonymous Anonymous, at Saturday, August 26, 2006 2:21:00 AM  

astig ang #2 and #3. hehe

By Blogger nightfox, at Wednesday, December 20, 2006 4:33:00 PM  

haha iniisip ko nga kung may makakagets sa #2 and #3

By Blogger boyet, at Friday, December 22, 2006 12:33:00 AM  

Astig ang number 8. Kakainis yan.

By Blogger Cyrus, at Sunday, June 03, 2007 10:06:00 AM  

Tagay pa!

<< Home