Bakit Ako Nakakatulog sa Klase
Inaamin kong hirap akong manatiling gising sa loob ng klase. Antukin talaga ako. Pero sa mga sitwasyong ganito ay wala na talaga akong magagawa at bumibigat sa 100 kilo ang mga talukap ko.Hirap akong hindi matulog
1. Sa mga subjects pagkatapos ng P.E.
Napagod ka na. Naglakad mula gym/quadrangle hanggang classroom. Pinawisan. Nagbihis. Obviously, na-uto mo na ang katawan mo na matutulog ka na.
2. Sa mga subjects pagkatapos ng lunch.
Ipinagluto ka ng masarap ng ermats mo. Kabastusan naman kung di ka magpapakabusog. At pag busog. Tulog.
3. Kapag paparinggan ka ng boring music ng teacher mo.
Magmamakaawa ka na sana ilipat man lang sa FM. Kaso kadalasan ay mga Religion teacher mo ang magpapakinig sa iyo ng mga music na walang salita. Puro instrumental ng mga maliliit na harp, piano, violin at kampanilya.
Ipaparinig nila sa iyo ito habang nagdarasal. Tapos iuutos pa sa iyo na ipikit ang inyong mga mata.
4. Kapag naglelecture ang teacher mo na straight from the book.
Mahirap nito ay bukas ang libro sa harap mo at nababasa mo word for word ang sinasabi ng teacher. Ang pinakasablay dito ay pati iyong joke sa libro ay hinirit ng teacher mo.
5. Sa mga weirdong teacher na daldal lang ng daldal o kaya ay katangahang pinagbabawal ang class recitation.
Ito ang pinakamahirap. Para nilang sinabing wag ka na mabuhay.
Para kang inutusang takpan ang tenga mo at panoorin ang radyo.


2 comment(s):
#4 - oo, madalas 'to lately.. tsaka mas madali siguro makatulog kapag 'thundercat' ang teacher.. (matanda na). hehe
By
nightfox, at
Wednesday, December 20, 2006 4:34:00 PM
thundercat? di ko alam ang expression na un hehe
By
boyet, at
Friday, December 22, 2006 12:34:00 AM
Tagay pa!
<< Home