mga kwentong inuman

Friday, December 22, 2006

Sa Kalalaki Kong Tao, Kahit Ako Naiyak Dito

Ito ang pinakamagandang salin sa pinakamalungkot na tulang naisulat. Basahin ng mabuti. Lagyan ng malungkot na background music.


Ngayong Gabi Aking Isusulat . . .
ni Pablo Neruda (salin ni Maximo Macaraig)

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula


Isulat halimbawa, "Ang gabi'y pira-piraso
at ang mga bituin ay nilalamig sa malayo."

Umiikot ang hangin sa langit . . . at umaawit

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Minahal ko siya, at minsan minahal niya rin ako

Sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig
At hinalikan ng paulit-ulit sa ilalim ng walang-hanggang langit

Minahal niya ako, at minsan minahal ko rin siya
Paanong hindi mo iibigin ang mga tila niyang mata

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Para isiping wala na siya sa aking piling, para maramdamang wala na siya

Para marining ang matinding liwanag, na mas matindi pa kahit wala siya
At ang mga berso'y nahuhulog sa damdamin na parang hamog sa damuhan

Ano ang dahilan at ang pag-ibig ko'y di sya kayang pigilan?
Ang gabi'y pira-piraso at wala siya sa tabi ko

Ito lamang. Sa malayo may umaawit. Sa malayo.
Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.

Ang paningin ko'y hinahanap siya na parang tutungo sa kanya
Ang puso ko'y hinahanap siya, at siya'y di ko kasama

Ang dating gabing nagliliwanag, ang dating puno
Kami, noong mga araw, ay hindi na ang dating kami


Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit kung paanong minahal ko siya!
Hanap ng aking tinig ang hangin upang madampi sa kanyang panrinig

Sa iba. Siya'y mapupunta sa iba. Tulad ng aking mga halik
Ang kanyang tinig, maaliwalas na katawan, malalim na mata

Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit baka mahal ko siya
Maikli ang pag-iibigan, mas matagal ang paglimot

At ito ang mga huling bersong isusulat ko para sa kanya
Dahil sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig

Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.

Kahit na ito ang huling sakit na idudulot niya sa akin




############
PUTANGINA ANLUPET!

Indi ko nakuhang umiyak sa klase... Ayan na lamang ang naluluha kong buntung hininga pagkatapos basahin ito ng guro ko sa pilosopiya. Balak ko pa sanang manguna sa paghirit ng ThAT'S SO GAY!

Ispanyol talaga ang orihinal na bersyon ng tulang ito ni Pablo Neruda. At ito ang pinakamalupit na salin na aking natagpuan. Palakpakan si G. Maximo Macaraig, maging sino ka man.



14 comment(s):

ganda naman ng translation nya ng Tonight I Can Write :)

By Blogger k, at Monday, October 24, 2005 4:11:00 PM  

OffT: kaw din po ba si Mr. Pogi? *confused* :D

By Anonymous Anonymous, at Tuesday, October 25, 2005 7:07:00 PM  

hindi ako si mister pogi. mas pogi ako dun. wahahahah ako pa!

By Blogger boyet, at Tuesday, October 25, 2005 8:55:00 PM  

hehehe... ayos.

By Blogger tet, at Wednesday, October 26, 2005 4:13:00 PM  

waaah. kaunti lang may alam sa poem na ito!!!


mga tao talaga ayaw sa poems. hahahaha

By Blogger boyet, at Wednesday, October 26, 2005 8:08:00 PM  

di ako gumawa ng poem na yan noh!



si maximo macaraig nagtranslate.. pero si pablo neruda talaga gumawa :D

By Anonymous Anonymous, at Monday, October 31, 2005 2:37:00 PM  

bos mas pogi, sigurado ka bang inggles ang original at di espanyol?

By Anonymous Anonymous, at Wednesday, November 02, 2005 7:34:00 AM  

ay sori. oo nga pala. spanish nga pala.

By Blogger boyet, at Wednesday, November 02, 2005 2:43:00 PM  

nabasa ko na to sa peyups... mas nakakawasak tong filipino version...

By Anonymous Anonymous, at Saturday, December 03, 2005 1:44:00 PM  

nakakalungkot ito talaga... naiyak nga ako e

By Anonymous Anonymous, at Thursday, December 15, 2005 11:32:00 PM  

borrowed neruda's poem. ;)

By Blogger yo!, at Friday, December 22, 2006 9:33:00 AM  

oks lang.. basta i-credit nio ako. :D

By Blogger boyet, at Saturday, December 23, 2006 2:24:00 PM  

what does it matter that my love could not keep her?

hayyy my favorite line. :) ganda rin pala ng filipino version neto

By Blogger Miki, at Sunday, February 04, 2007 12:21:00 AM  

i've the audio cd of neruda's the postman, his poems were read by celebs. ang ganda nga niyan.

By Blogger Stiletto Hiker, at Sunday, February 04, 2007 6:40:00 PM  

Tagay pa!

<< Home