mga kwentong inuman

Sunday, December 24, 2006

Para Sa Namimiss Kong Katulong Namin Ngayong Pasko

Confirmed na po. Ang katulong namin ang pinakamatalinong katulong sa buong mundo.

BOYET: Melba importante na gisingin mo ako mamayang alas-5 ng umaga.

MELBA [tumango lang]

BOYET: Melba alas-5 ng umaga! Wag mong kakaligtaan at madedelikado sweldo mo.

MELBA: Oo na. Oo na.

Alas-12 na ng tanghali. Nagising din ako sa init ng kwarto ko. Bumaba ako kaagad at tuwang tuwa akong nakitang nanonood ng Wowowee si Melba.

BOYET: Melba!!! Bakit hindi mo ako ginising?

MELBA: Tulog ka e. Baka magalit ka sakin pag ginising kita.


-------

[enter Mike Enriquez]

Katulong chinop-chop ng Amo.

Nagdilim ang paningin ng suspek na si Boyet Dominador ng nakasagutan ang kanyang katulong na si Melba Borreros, edad 25. Palalampasin na sana ng suspek ang mga pagkukulang ng katulong ng biglang tinakpan ng katulong ang kanyang sariling mga tenga, nilakasan ang volume ng TV, at nangungutyang kumanta mag-isa ng malakas.

BOOM TARAT TARAT.

TARARAT TARARAT

BOOM BOOM BOOM.

Kasalukuyang pinapadala na sa Romblon ang mga labi ni Melba as of realtime.

5 comment(s):

hindi naman siguro brosia ang nickname ng longkat mo.

pero oo nga, sa tingin ko minsan, mas matalino sila sa tin, inuuto tayong mga amo na ina-underestimate sila. Parang ninja ano?

merry xmas pala.

By Blogger Krys, at Sunday, December 24, 2006 10:32:00 PM  

meri xmas din.

mas okei na si brosia. ung katulong namin di niya sinasadya.. di niya alam na nakapangiirita siya.

pero kahet ganun un. miss ko na un. :D

By Blogger boyet, at Monday, December 25, 2006 12:56:00 AM  

bigla ko naalala yung isang episode sa isang lumang local tv show...bumili ang amo ng rooster, nilagay malapit sa kama nya para magising sya nang maaga...

nagising sya nang tanghali, kasi niluto pala nung katulong nya yung manok...naging fried chicken...

By Blogger Unsugarcoated Reviews, at Tuesday, December 26, 2006 12:50:00 AM  

teka.. gusto ko malink ung mga nagbabasa ng blog ko kaso di ko maaccess profile niiyo. o well.

By Blogger boyet, at Tuesday, December 26, 2006 2:03:00 AM  

astig ito!

By Anonymous Anonymous, at Wednesday, May 23, 2007 6:51:00 AM  

Tagay pa!

<< Home