mga kwentong inuman

Tuesday, February 20, 2007

Ang Kauna-unahang Taong Sinapak Ko!

Nung grade 1 ako ay may kaaway ako sa klasrum na sipsip at may Crab Mentality. Ako kasi iyong top 1 at favorite ako ng teacher kahit hindi ako sumisipsip. Kaso, isang araw na-late ako at iyong kaaway ko na itago na lang natin sa pangalang Edgar P. Torres.. Pakyu ka! Pangalan mo pa lang drayber na drayber na...

Anyways, Going back… nautusan ng teacher na habang wala siya ay magsulat ng NOISY BOYS si Edgar (Muka kang paa! Sorry last na.). Syempre dahil magkaaway kami, tiniyak kong hindi ako mag-iingay kundi ay isusulat niya ako sa NOISY BOYS.

Nang biglang may humiram sa akin ng mongol number 1.. Anak ng p*ta, pagtingin ko sa blackboard nakasulat na ako sa NOISY BOYS. Nagreklamo ako sa kanya pero nilagyan niya ako ng dalawang guhit sa tabi ng pangalan ko. WAW. Second offense daw.

Pagtayo ko para magreklamo sinulat naman ako sa STANDING.

Wala na akong magawa kundi tumahimik na lang at umasa na buburahin niya ang mga naisulat niya sa blackboard tungkol sa akin. Tumigil na lang ako sa pagkulay ng aking Lion King coloring book at tumunganga na lang at tumitig sa sariling mesa.

Pagkatapos ng ilang minuto tiningnan ko ulit ang blackboard para makita kung binura na niya ako sa listahan ng NOISY BOYS at STANDING.

Aba naman. Ginawan niya ako ng bagong category.


SLEEPING


BOYET DOMINADOR



----------
At simula noon ay namemorize ko na ang kwarto ng principal. BAW.

6 comment(s):

Grabe! Nakakatawa naman.......Hahahahahaha! Lakas Tama ka nga!

By Anonymous Anonymous, at Friday, March 23, 2007 10:48:00 PM  

Lol. Nung elementary ako may binato ako ng gunting - hit him between the eyes! lol --- at tinusok ng lapis.

unang nanapak, nah, college na nangyari yun. mabait akong bata eh. hehehe

By Blogger lateralus, at Friday, April 06, 2007 2:09:00 PM  

ang pagsulat ng noisy ay may violence na kaakibat tlaga, dpat tinatanggal na yun kasi pati tinuturuan yung bata [na tagsulat ng noisy] at a very young age na maging si bush.

By Anonymous Anonymous, at Wednesday, May 23, 2007 6:54:00 AM  

Haha...hindi mo talaga kinalimotan. Mukhang nagkimkim ka ng sama ng loob.

SIPSIP -Socially Insecure Person Seeking for Immediate Promotion (ika nga ng titser ko)

Medyo terno ang kulay ng ating mga blog.

By Anonymous Anonymous, at Friday, May 25, 2007 4:45:00 PM  

Natawa talaga ako sa sinulat mo.
At ikaw pa lang ang nakita kong blog na tagalog.

Visit ka rin pala sa blog ko.

http://obranijuan.blogspot.com

Message ka don. Add kita sa link. Pwede ba?

By Blogger Cyrus, at Sunday, June 03, 2007 2:24:00 AM  

okay toh

By Anonymous Anonymous, at Thursday, June 14, 2007 5:28:00 PM  

Tagay pa!

<< Home